MANILA, Philippines – Nagbabala ang grupong GABRIELA sa isang “epidemya” ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata sa Pilipinas, dahil sa pagdami ng malulupit na kaso at umano’y pagkabigo ng sistema sa proteksyon at hustisya.
Sa kanilang pahayag noong Linggo, binanggit ng grupo ang ilang insidente sa bansa, kabilang ang pamamaril sa isang babae ng live-in partner sa Bacolod, ang pagkatuklaw sa isang babae ng kanyang asawa, ang panggagahasa sa isang 13-anyos na babae ng kanyang ama-amahan sa Pasig, at ang sexual assault sa isang 15-anyos sa Makati.
Kabilang din ang kaso ng alleged child abuse ng isang guro sa pampublikong paaralan sa Tondo, acts of lasciviousness ng assistant ng isang photographer sa Muntinlupa, at ang imbestigasyon laban sa isang pulis sa Maynila na inaakusahan ng rape.
Nagpahayag din sila ng pag-aalala sa paglaganap ng AI-generated deepfake content para pagsamantalahan ang kababaihan at bata.
“These incidents don’t happen in a vacuum. They are the result of a rotten system that devalues women and children, normalizes misogyny, and allows impunity to flourish—while people’s money that could have been spent to protect and provide services for women gets lost to corruption,” ayon kay GABRIELA Secretary-General Clarice Palce.
Ani Palce, hindi lamang sa loob ng bahay at komunidad umiiral ang karahasan kundi pati na rin online at sa mga institusyong dapat nagbibigay ng proteksyon tulad ng paaralan at kapulisan. Hinihikayat niya ang mga biktima at nakaligtas na magsumbong at humingi ng suporta dahil ang pag-tahimik ay nagpapalaganap ng karahasan.
Nanawagan ang GABRIELA para sa mas malakas na kolektibong aksyon, kabilang ang tunay na hustisya, komprehensibong suporta para sa mga biktima, at pagtigil sa sistematikong misogyny at kapabayaan ng estado.
“We call on all Filipino women to unite, organize, and fight back. Our collective voice is our strongest weapon. We must work together and fight for a society where women and children can live free from fear and violence,” dagdag pa ni Palce. Santi Celario