Home NATIONWIDE OFW sa Hong Kong, nailigtas matapos saktan ng amo

OFW sa Hong Kong, nailigtas matapos saktan ng amo

234
0

MANILA, Philippines – Isang OFW sa Hong Kong ang nailigtas matapos makuhanan ng video ang kanyang amo na pisikal na nananakit sa kanya.

Makikita sa viral video na sinasabunutan ng amo ang buhok ng OFW. Agad na rumesponde ang Hong Kong police at nakausap ang biktima.

Hindi inilabas ng OWWA ang pagkakakilanlan ng OFW, ngunit sinabi ng Hong Kong Labor Attaché na si Cesar Chavez na siya ay mula sa Bulacan.

Nakabalik na sa normal ang OFW matapos ma-discharge sa ospital at kasalukuyang nasa temporary shelter ng Migrant Workers Office sa Hong Kong.

Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, posibleng ang nanakit sa OFW ay ang kanyang ward na may kondisyon sa pag-iisip.

Iniimbestigahan ng pulisya sa Hong Kong ang kaso at may abogado na tumutulong sa OFW para magsampa ng kaso laban sa amo.

Tatanungin din ng OWWA kung nais ng OFW na umuwi o ipagpatuloy ang trabaho sa Hong Kong. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here