ILOCOS – Nasawi ang isang pitong taong gulang na babae matapos siyang mabangga at madaganan ng pickup truck sa national highway sa Barangay Uso, Suyo, Ilocos Sur noong gabi ng Biyernes, Enero 16, 2026.
Nasapul sa CCTV footage na bigla siyang tumakbo papatawid mula sa kanang bahagi habang papalapit ang isang orange na pickup truck.
Nabundol siya at nadaganan nang dalawang beses pagkatapos ng impact. Agad na lumapit ang ina ng biktima, habang bumaba rin ang drayber ng pickup at lumapit sa kanila.
Nagkaroon ng sugat ang bata sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinala sa Ilocos Sur District Hospital sa Tagudin, kung saan idineklarang dead on arrival.
Inaresto ang 33-anyos na drayber mula sa Itogon, Benguet at dinala sa kustodiya ng pulisya. RNT