ZAMBOANGA CITY- Natagpuang lumulutang ang mga puslit na sigarilyong nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa baybayin ng Barangay Kayok, Liloy, Zamboanga del Norte nitong Huwebes.
Narekober ng mga pulis ang kontrabando matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen.
Dinala na ang inabandonang tobacco products sa Zamboanga del Norte Maritime Station para sa dokumentasyon bago iturn-over sa Bureau of Customs.
Pinuri naman ni Police Regional Office-9 Director Police Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding ang mga residente sa kanilang pagiging alerto at iginiit ang kanyang suporta sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad. RNT/SA