Home METRO P1.8-M shabu na byaheng SoKor naharang sa Clark

P1.8-M shabu na byaheng SoKor naharang sa Clark

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa halos P1.8 milyon halaga ng shabu ang naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of Clark makaraang mabuking na itinago ito sa loob ng isang padala na idineklarang “Smart speaker” na i-eexport sana patungong South Korea.

Ayon sa BOC, dumaan sa x-ray inspection ang nasabing padala na nagmula sa Pasig City at sumailalim sa K9 sniffing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) K9 Unit na nagbigay ng mga positibong indikasyon para sa pagkakaroon ng mga mapanganib na droga.

Dahil dito nagsagawa ng physical examination sa nasbaing padala na nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang plastic pouch ng mga crystalline substance na nakatago sa nasabing speaker kung saan kinumpirma ng PDEA, sa isinagawa nilang chemical laboratory analysis, na ang mga substance ay Methamphetamine Hydrochloride o Shabu na isang mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itinurn-over ang mga sample sa PDEA para sa chemical laboratory analysis, na kinilala ang mga substance bilang Methamphetamine Hydrochloride o Shabu, isang mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dahil dito ay inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ang nasabing padala dahil sa paglabag sa Section 118 (g), 119 (d), 1113 par. (f), (i), at (l)-(3) at (4) ng Customs Modernization and Tariff Act in relation to R.A. No. 9165.

Ang nasabing iligal na droga ay itinurn-over sa PDEA para sa kaukulang disposisyon. JAY Reyes