Home HOME BANNER STORY PBBM kapos sa pagsulong ng game-changing economic reforms sa unang taon –...

PBBM kapos sa pagsulong ng game-changing economic reforms sa unang taon – ekonomista

MANILA, Philippines – NABIGO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-exploit ang kanyang overwhelming mandate na isulong ang game-changing economic reforms sa unang taon niya sa puwesto.

“Having used band-aid solutions to deal with persistent food shortages and spiraling prices,” ayon sa mga ekonomista.

“Mr. Marcos is unlikely to undo decades of neglect in the agriculture sector with unsustainable policies such as food caravans for the poor and easing import restrictions, while the country faces a widening funding gap,” dagdag na pahayag ng mga ito.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na tinitiyak ng gobyerno ang tunay na macroeconomic fundamentals at nananatiling nakatuon sa paglaban sa inflation, na aniya’y isa sa “biggest economic problems” ng Pilipinas.

“Since peaking at 8.7% in January, inflation has eased to 6.1% in May. Inflation has averaged 7.5% this year, still above the Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP) 5.4% forecast,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, isinulong naman ni Pangulong Marcos ang food self-sufficiency sa tiyak na populistang direksyon.

“We have to undo almost 40 years of neglect when it comes to the agricultural sector,” ayon kay Pangulong Marcos said nang tanungin kung ano ang kanyang assessmen sa unang taon sa posisyon bilang halal na Pangulo ng bansa sabay sabing “there is still a long way to go.” Kris Jose