Home METRO P4M cannabis oil nasabat sa NAIA

P4M cannabis oil nasabat sa NAIA

MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa P4 milyon halaga ng cannabis oil ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)- Ninoy Aquino International Airport (NAIA) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay sa isinagawang operasyon sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong Biyernes, Hunyo 30.

Ayon sa BOC, ang nasabing parsela na nagmula sa US ay naglalaman ng vape cartridges na may cannabinoid, isang kemikal na may taglay na cannabis o kilala rin bilang marijuana.

Agad nagsagawa ng operasyon ang BOC at ang PDEA na nagresulta sa pagkaka-aresto sa isang 20-anyos na estudyante na nagsilbing claimant ng parsela.

Itinurn-over sa PDEA ang naarestong claimant at nasamsam na mga illegal goods. Jay Reyes

Previous articlePBBM kapos sa pagsulong ng game-changing economic reforms sa unang taon – ekonomista
Next articleWarship ng Russia namataan sa Taiwan, Okinawa islands – Japan