BICOL, Philippines – Nasamsam ng pulisya ang higit P1 milyon halaga ng pinaghihinalaang “shabu” sa isang buy-bust operation sa Concepcion Pequeña, Naga City, madaling araw ng Martes.
Ayon kay Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, isinagawa ang operasyon ng joint team mula sa Naga City Police Office’s City Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, at Police Station 2, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency–Regional Office V, bandang 12:10 a.m.
Nahuli sa operasyon ang isang high-value individual na nakilala lamang bilang “Juls,” 29, residente ng Naga City.
Nakuha mula sa suspek ang halos 150 gramo ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,020,000, pati na rin ang buy-bust money at iba pang gamit na may kinalaman sa droga.
Ang mga nasamsam ay naitala at na-inventory ayon sa legal na proseso at sa harap ng mga mandatory witnesses.
Pinuri ni Police Brig. Gen. Erosito Miranda, acting regional director ng Police Regional Office V, ang operating team at hinikayat ang ibang police units na ipagpatuloy ang anti-illegal drug operations upang mapanatili ang kapayapaan sa Bicol region. RNT/MND