SAUDI ARABIA – Nakatakdang sumailalim sa separation surgery sa Saudi Arabia ang Filipino conjoined twins na sina Olivia at Gianna Manuel, ang ika-apat mula sa Pilipinas na dumaan sa ganitong operasyon.
Ayon sa pahayag ng Saudi Embassy, bumisita ang kambal at ang kanilang mga magulang kay Ambassador Faisal Ebraheem Alghamdi, bago sila umalis papuntang Saudi Arabia.
Aniya, ipinapakita ng hakbang na ito ang “patuloy na pagsisikap ng Kaharian” sa gawaing makatao.
Dagdag pa ng embahada: “Ipinapakita rin nito ang nangungunang papel ng Kaharian sa pandaigdigang entablado at ang matibay na pagkakaibigan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan ng dalawang bansa.”
Noong Hunyo, sina Klea Ann at Maurice Ann Misa ang ikatlong Filipino conjoined twins na sumailalim sa separation surgery sa Saudi Arabia. RNT/MND