Home NATIONWIDE P10.5B budget ng OP; P733M sa OVP sa 2025, aprub sa plenaryo...

P10.5B budget ng OP; P733M sa OVP sa 2025, aprub sa plenaryo – Poe

MANILA, Philippines – Tuluyan nang inaprubahan sa plenaryo ng Senado ang panukalang badyet ng Office of the President at Office of the Vice President na walang idinagdag o ibinawas sa orihinal na bersiyon ng Kamara, ayon Senador Grace Poe.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on finance , na pinagtibay sa plenaryo ang badyet ng OP na nagkakahalagang P10.506 bilyon nang walang tumutol sa loob ng hindi aabot sa isang minute.

Inaprubahan din sa plenaryo ang P733.198 milyon na badyet ng OVP base sa mosyon na inihain ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, kaalyado ng pamilya Duterte.

Ayon kay Dela Rosa at Senador Bong Go, magkakaron ng amendments sa badyet ng OVP sa panahon ng interpellation sa ikalawang pagbasa sa mga susunod na araw.

Walang tumutol sa pag-aapruba ng badyet ng OP, ayon kay Poe.

Sa badyet ng OVP, si Senador Cynthia Villar ang naghain ng ikalawang mosyon upang tuluyan nang aprubahan ang panukala.

Bago maghain ng mosyon si Villar, sinabi ni Dela Rosa sa plenaryo na maghahain sila ng ilang amendments sa OVP budget sa gaganaping period of interpellation.

Naunang hiniling ni Go, isa sa pangunahing kaalyado ng pamilya Duterte, na ibalik ang panukalang P2.03B na budget ng OVP.

Binawan ng Mababang Kapulungan ang orihinal na P2.03 bilyong badyet ng OVP tungo sa P733.198, Nabawasan ito ng P1.3 bilyon dahil hindi dumadalo si Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng badyet sa Kamara.

“That’s why I’m calling on our colleagues here to kindly support the addition or restoration of the funds approved under the NEP for 2025, so that our Vice President, who is part of the executive branch of the government, can carry out her duties properly,” ayon kay Go.

“So that we would have a working Vice President, not just a spare tire. Our Vice President wants to work. Let’s not hinder someone who wants to do their job,” dagdag niya.

Kinilala naman ni Poe ang manipestasyon ni Go.

“At the proper time, Sen. Bong Go is free to introduce amendments he would like to include for the Office of Vice President’s budget,” ayon kay Poe.

Parehong dadaanan sa period of amendments ang badyet ng OP at OVP bago isalang ang pinal na bersiyon sa ikatlo at huling pagbasa. Ernie Reyes