Manila, Philippines- Kung pagbabatayan ay ang pagbibigay ng food ng mommy ni Dominic Roque kay Sue Ramirez, no doubt na boto ito sa aktres para sa anak.
Ang sweet gesture na ito ay ibinalita sa online show nina Ogie Diaz.
But as far as Sue is concerned, tila nasa proseso pa ito na naninimbang siya.
Kunsabagay nga naman, Sue had just come from a relationship with Victorias City Mayor Javi Benitez.
Baka nga naman lumabas pang “love on the rebound” ito if she’ll instantly fall for Dominic.
Speaking of Javi, ipinahiwatig din sa program nina Ogie na tila hindi maganda ang paghihiwalay nila ni Sue.
It’s been four months since Sue and Javi took separate ways.
Patunay raw that their romance ended on a bitter note ay ang tsikang naiirita raw si Sue sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Javi.
However, for his part ay nilinaw ni Javi that they parted ways well.
Hangad pa nga raw niya ang kaligayahan ng dating nobya.
And if ever ngang si Dominic ‘yon, for sure ay tanggap ni Javi.