Home NATIONWIDE P10-M medical supplies, inihanda na ng DOH vs bagyong Uwan

P10-M medical supplies, inihanda na ng DOH vs bagyong Uwan

411
0

MANILA, Philippines – Naghanda ang Department of Health (DOH) ng mahigit PHP10 milyon na medikal na supplies sa iba’t ibang rehiyon ng Luzon para sa paparating na bagyong Uwan.

Kabilang sa mga ito ang gamot para sa ubo at lagnat, antibiotics, maintenance medicines, hygiene kits, at inuming tubig. Handa rin ang CAMPOLAS kits na naglalaman ng Cotrimoxazole, Amoxicillin, Mefenamic Acid, Paracetamol, Oral Rehydration Salts, Lagundi, Vitamin A, at ointment para sa balat.

Ang Health Emergency Response Teams (HERTs) at mga ospital ng DOH ay naka-standby para sa agarang deployment. Pinayuhan ang publiko na sundin ang safety protocols at maghanda ng emergency kits. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here