Home METRO P10K financial aid ipinagkaloob sa 39 senior citizens sa Las Piñas

P10K financial aid ipinagkaloob sa 39 senior citizens sa Las Piñas

112
0

MANILA, Philippines- Ipinagkaloob na ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas ang financial aid ng 39 senior citizens na ang mga kapanganakan ay nakapaloob sa mga buwan ng Pebrero at Marso.

Personal na pinangunahan ng bagong halal na alkalde ng lungsod na si Mayor April Aguilar ang maayos na pamamahagi ng financial aid sa 39 senior citizens kung saan tumanggap ang bawat isa sa mga ito ng halagang P10,000 nito lamang nakaraang Mayo 20.

Sinabi ni Aguilar na isinagawa ang pamamahagi ng ayuda sa Las Pinas Café na matatagpuan sa Las Pinas City Hall grounds na dinaluhan din ng namumuno ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) na si Dr. Esther Oliveros kabilang ang mga representante ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na tumulong para sa maayos na distribusyon ng naturang financial aid.

Ayon kay Aguilar, nakasentro sa naturang programa ang pamamahagi ng financial assistance sa mga octogenarians at nonagenarians na ang mga edad ay nasa 80, 85, 90, at 95.

Sa kanyang maikling mensahe ay nagpasalamat si Aguilar sa mga senior citizens dahil sa kanilang mahalagang kontribusyon sa komunidad sa naturang aktibidad.

Dagdag pa ni Aguilar na ang naturang inisyatiba ay patunay lamang ng patuloy na ipinangakong sebisyo ng lokal na pamahalaan upang maiangat ang kabuhayan ng senior citizens sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here