Home NATIONWIDE Scholarship application para sa mga Pinoy pinalawig ng Japan ‘gang May 30

Scholarship application para sa mga Pinoy pinalawig ng Japan ‘gang May 30

343
0

MANILA, Philippines- Pinalawig ng Japanese Embassy sa Maynila ang application period para sa mga Pilipinong interesado na mag-apply para sa research category ng 2026 Japanese Government (MEXT) Scholarship program ng hanggang Mayo 30.

Ang aplikasyon para sa undergraduate, specialized training, at college of technology categories ay opisyal na nagsara nito lamang May 23, 2025.

Ang MEXT research category ay nag-aalok sa mga aplikante ng oportunidad na maglaan ng 18 o 24 buwan na magsagawa ng independent research sa ilalim ng Japanese professor.

Ang anumang larangan ng pag-aaral ay eligible para sa scholarship, subalit ang aplikante ay dapat na makahanap ng Japanese professor na handang pangasiwaan ang kanilang research.

Sa kabilang dako, pinayuhan naman ng embahada ang mga interesadong aplikante na i-check ang websites ng Japanese universities para makahanap ng professor sa ilalim ng kanilang hinahangad na larangan ng pag-aaral.

Nilinaw nito na hindi naman garantiya na ang aplikante ay ilalagay sa kaparehong professor subalit sinabi na pinapayagan ang mga ito na direktang kontakin ang professor kapag nakapasa sila sa ‘first selection.’

Samantala, maaaring bisitahin ng mga aplikante na interesado sa scholarship ang Japanese Embassy website. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here