TINGLAYAN, Kalinga – Halos umabot sa mahigit P10M halaga ng marijuana ang binunit at sinunog matapos na maglunsad muli ng anti-drug operasyon ang pulisya sa mga plantasyon sa Tinglayan, Kalinga.
Tatlong plantasyon ang inoperate sa mga barangays ng Butbut Proper, Dananao at Tulgao East na nagresulta sa pagbunot ng nasa 75 thousand na fully grown marijuana plants. Ang mga illegal na pananim ay tinatayang nagkakahalaga ng ng P10,000,200,
Hanggang ngayon wala pa ring natutukoy ang pulisya na maintainer o cultivator ng mga sinasalakay na plantasyon ng marijuana sa nabanggit na lugar maging sa iba pang probinsiya ng Cordillera Administrative Region (CAR)
Dokumentado naman daw ang mga nakuhang damo bago ito sinunog sa lugar. Kumuha rin ng sample bilang bahagi ng dokumentasyon at naisumite para sa gagawing pagsusuri ng PNP Regional Forensic Unit ng CAR. Rey Velasco