Nanawagan si Senador Joel Villanueva ng imbestigasyon sa Senado kaugnay ng ₱11.18 bilyong halaga ng nag-expire at nasayang na mga gamot at suplay medikal ng Department of Health (DOH) noong 2023, na iniulat ng Commission on Audit (COA).
Si Villanueva, na namahagi ng pinansyal na ayuda sa 1,000 residente ng Iloilo City noong Marso 27, 2025, ay naghain ng Senate Resolution No. 1326 noong Marso 18 upang alamin ang pananagutan sa malaking pag-aaksaya ng pondo ng gobyerno dahil sa hindi sapat na pagpaplano sa pagbili, kawalan ng kahusayan, at posibleng matinding kapabayaan o maling pamamahala. Cesar Morales