Home HOME BANNER STORY P110-M ibinalik ni Henry Alcantara sa gobyerno – DOJ

P110-M ibinalik ni Henry Alcantara sa gobyerno – DOJ

275
0

MANILA, Philippines – Itinurnover ni dating DPWH Bulacan Engr. Henry Alcantara sa Department of Justice (DOH) nitong Biyernes ang higit P100 milyong halaga ng cash bilang bahagi ng restitution.

Sa press briefing sa DOJ, ipinrisinta ni Justice Acting Secretary Frederick Vida ang limpak-limpak na pera na nasa kabuuang P110 milyon.

Ayon kay Vida, bahagi ito ng P300 milyon na nakatakda pang isaoli ni Alcantara sa gobyerno kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Tiniyak ni Vida na maibabalik ang lahat ng pondo at kickback  sa Bureau of Treasury para mapakinabangan ng taumbayan.

Si Alcantara ay isa sa tinaguriang BGC boys o Bulacan Group of Contractors na nahaharap sa patong-patong na kaso kaugnay ng maanomalyang flood control projects. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here