Home METRO P14M shabu nasabat sa Las Piñas buy-bust ops

P14M shabu nasabat sa Las Piñas buy-bust ops

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P14 milyong halaga ng shabu sa buy bust operation sa Las Pinas City.

Ayon sa ulat, dalawa ang naaresto sa operasyon.

Sakop umano ng grupo ang pagbebenta ng kilo-kilong shabu sa Metro Manila at Visayas.

“‘Yung mga item nila, nanggagaling dito sa Pampanga. Allegedly, isang Chinese national yung mga kinukunan nila ng item. Mayroon silang mga dating transaction na namonitor ng tropa na malaki din. Hanggang Visayas [ang operasyon nila], abot five kilos ang transaksyon minsan,” ayon kay PDEA PIO Director Lawin Gabales.

“Ito yung mga nagdadala, nagta-transport ng drugs, at wala silang downline na malaki na parang mag distribute. So from two kilos, deliver ng two kilos din. Bahala na babagsakan nila kung paano i-distribute. Ito sila, minsan lang mag deal, pero by kilos to sila. Hindi sila nag transact masyado nang mababa,” dagdag niya.

Nasa dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14 milyon ang nakumpiska sa operasyon.

Itinakda ang medical examination para sa dalawang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA. RNT/JGC