Home NATIONWIDE P15.8M Superlotto 6/49 jackpot nasolo

P15.8M Superlotto 6/49 jackpot nasolo

MANILA, Philippines- Wagi ang isang mananaya ng P15.8 milyong Superlotto 6/49 jackpot nitong Linggo, Disyembre 22.

Binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang winning numbers na 21-10-13-31-07-18 para sa Superlotto 6/49, na may premyong P15,840,000 na mapupunta sa isang mananaya.

Wala namang nanalo ng Ultra Lotto 6/58 jackpot, na sumampa na sa P251,299,365.20. Ang winning combination ng mga numero ay 42-20-04-48-06-49. RNT/SA