Home METRO P17.65M ismagel yosi, nasabat sa Pangasinan

P17.65M ismagel yosi, nasabat sa Pangasinan

1
0
Image Representation Only

PANGASINAN, Philippines – Tinatayang P17.65 milyon halaga ng umano’y smuggled cigarettes ang nasabat ng pulisya mula sa isang van na hinarang sa Agno, Pangasinan nitong Huwebes.

Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO), 278 kahon ng Red Modern cigarettes ang natagpuan sa van, na naglalaman ng kabuuang 139,000 kaha.

Hindi rin nakapagpakita ng valid na dokumento ang dalawang sakay ng van na nagpapatunay na awtorisado silang magmay-ari at magbiyahe ng mga sigarilyo. Ang mga suspek ay isang 31-anyos na driver mula Bataan at 47-anyos na substitute driver mula Sorsogon.

Batay sa datos ng Department of Agriculture Region 1, nasa P127 kada kaha ang prevailing market price ng mga sigarilyo.

Dinala ang dalawang suspek, sasakyan at kargamento sa Agno Municipal Police Station para sa dokumentasyon, imbentaryo at beripikasyon. Nagsagawa rin ng on-site inventory at verification ang Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Isinumite ang mga nakumpiskang sigarilyo sa Department of Justice para sa pagsasampa ng kaso dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Nanatili sa kustodiya ng Agno police ang dalawang suspek habang hinihintay ang pagsusuri ng DOJ. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here