Home METRO P198K ismagel yosi, nasabat sa Bataan; 2 arestado

P198K ismagel yosi, nasabat sa Bataan; 2 arestado

70
0
Image Representation Only

BATAAN, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police Maritime Group Region 3 ang mga smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱198,000 sa isang entrapment operation sa Villa Juana Compound, Barangay Rizal, Bataan nitong Martes.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakumpiska ang walong kahon ng “Modern” cigarettes matapos maaresto ang dalawang suspek na may edad 32 at 40, na hindi muna pinangalanan.

Isinagawa ang operasyon matapos ang isang test buy ng mga awtoridad.

Kakasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Republic Act 8524 o “The National Internal Revenue Code of 1997.”

Samantala, may mga ordinansa na rin sa ilang lokal na pamahalaan sa Bataan na nagbabawal sa bentahan ng sigarilyo sa mga lokal na tindahan, habang patuloy ding nagpaalala ang mga health authorities laban sa paninigarilyo at vaping. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here