Home METRO P2.3M shabu nasamsam, mekaniko arestado

P2.3M shabu nasamsam, mekaniko arestado

BUTUAN CITY- ARESTADO ang isang mekaniko matapos makuhanan ng P2.3M halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang drug operation ng mga awtoridad nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rey Flores Reponte, alyas ‘Iring’ 43-anyos, at residente ng City Montalban St., Purok 4, Brgy. Villa Kananga, Butuan City.

Batay sa report ng Regional Drug Enforcement Unit-13, bandang 2:23 AM ng salakayin ang bahay ng suspek sa nasabing lugar.

Nakuha sa suspek ang 350-gramo ng pinaniniwalaan shabu na nakabalot sa malaking plastik at 11 pakete na nakalagay sa maliit na plastik at tinatayang aabot sa halagang P2,380,000.00.

Sinabi ng pulisya, nag-ugat ang operasyon laban sa suspek matapos makatanggap ng report hinggil sa iligal na aktibidades nito.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso laban sa suspek./Mary Anne Sapico