Home METRO P200K marijuana nasamsam, suspek arestado

P200K marijuana nasamsam, suspek arestado

ZAMBOANGA CITY- UMABOT sa 200,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos maharang ng mga awtoridad ang suspek sa isinagawang operasyon nitong Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ernest Jan Tabayag Yting, nasa hustong gulang at taga Barangay Tetuan, Zamboanga City.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency-9, naharang ang suspek sa Guadalupe Drive, ng nasabing barangay habang sakay ito ng kanyang Suzuki Raider 150 motorcycle.

Narekober sa suspek ang isang kilo na pinatuyong dahon ng marijuana na may market value na aabot sa halagang P200,000.00.

Nabatid, na idedeliber sana ng suspek ang mga marijuana sa kanyang parokyano.

Sinabi ng pulisya, nakatanggap sila ng report mula sa concerned citizen hinggil sa iligal na aktibidades ng suspek at isinailalim nila ito sa monitoring na nagresulta sa pagkakadakip kay Yting.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng PDEA-9 ang suspek at inihanda ang kasong isasampa.

Inaalam na rin ng mga awtoridad sino ang supplier ng suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleSenior lumutang sa ilog
Next articleALAMIN, MGA PASYALANG MALAPIT NA SA METRO MANILA, SWAK PA SA BUDGET