Home HOME BANNER STORY P204-M tobats nasabat sa 3 bigtime tulak sa Bulacan

P204-M tobats nasabat sa 3 bigtime tulak sa Bulacan

(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang shabu na nagkakahalaga ng ₱204 milyon sa isang buy-bust operation sa isang hotel sa Bulacan noong Mayo 15, 2025.

May kabuuang 30 kilo ng shabu na nakalagay sa vacuum-sealed na mga plastic bag.

(c) Danny Querubin

Tatlong suspek na kinilalang sina alyas “Jessie,” 44 taong gulang na construction worker; si “Kristina,” 36 taong gulang na walang trabaho; at si “JB,” 21 taong gulang na estudyante—ang naaresto matapos magbenta ng 2 kilo ng shabu sa poseur-buyer.

Natagpuan din ng mga pulis ang dagdag na 28 kilo ng droga sa kanilang mga pag-aari.

Nakuha rin ang buy-bust money, isang sasakyan, cellphone, at mga ID ng mga suspek.

Ayon sa PDEA, nagmula ang operasyon sa mga ebidensya ng mga nakaraang kaso laban sa malalaking drug traffickers. RNT