MANILA, Philippines – Tinatayang ₱204 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Naic, Cavite matapos matagpuan ang iniwang maletang berde sa gilid ng kalsada sa Barangay Sabang.
Ayon sa pulisya, bandang 2:10 a.m. habang nagpapatrolya sa Friendship Road, lumapit sa kanila ang isang security guard at ini-report ang maletang iniwan sa tabi ng daan. Nang buksan ito, tumambad ang 30 heat-sealed plastic packs ng umano’y shabu, tig-iisang kilo kada pakete.
May nakita ring surveillance camera sa poste malapit sa lugar, na pinaniniwalaang bahagi ng modus na “dead drop,” kung saan iniiwan ang ilegal na droga sa tagong lugar para kunin ng kasabwat. RNT