Umabot na sa halos P127 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang nanalo sa major jackpot draws noong Martes, Marso 4, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning numbers para sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot na P126,896,986.80 ay 55-34-16-14-01-04.
Wala ring nakakuha ng tamang kombinasyon para sa Superlotto 6/49 na 25-38-02-03-41-07 na may jackpot na P15,840,000.
Samantala, ang kombinasyon ng Lotto 6/42 na 12-35-41-25-16-40 ay hindi rin napanalunan, na may premyong P63,341,802.80. RNT