DUPAX DEL SUR, Nueva Vizcaya — Nadiskubre at tuluyan nang binunot at sinunog ng mga awtoridad ang P20 milyong halaga ng marijuana na nakatanim sa isang plantasyon sa Sitio Gunot, Kimbotan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya.
Pinangunahan ni PMajor Anthony Ayungo, hepe ng Dupax del Sur Police Station, katuwang ang 2nd PMFC sa pamumuno ni PMajor Randy Velarde, kabilang ang Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Group.







