MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG) na nasabat nito ang nasa P22.7 milyong halaga ng mga ismagel na sigarilyo mula Abril 1 hanggang 19.
Ito ay ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang crackdown laban sa smuggling at iba pang uri ng mga krimen, lalo na sa key maritime areas sa bansa.
Ani PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, nakumpiska ng MG ang nasa 317 cases, 27,474 packs, 3,168 reams at tatlong kahon ng smuggled na sigarilyo sa iba’t ibang operasyon ngayong buwan.
Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto ng 31 indibidwal na sangkot sa smuggling activities.
Nasa kustodiya ng Zamboanga del Sur Maritime Police Station (MARPSTA) ang lahat ng mga nakumpiskang sigarilyo. RNT/JGC