MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot sa mga pangunahing lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Hunyo 30.
Sa Ultra Lotto 6/58, lumabas ang kumbinasyong 14-43-54-52-11-58 para sa jackpot na P128 milyon, ngunit walang nanalo.
Samantala, ang SuperLotto 6/49 ay may winning combination na 26-47-05-44-10-22 para sa jackpot na humigit-kumulang P48.74 milyon, habang ang Lotto 6/42 ay may winning numbers na 01-10-24-27-08-26 para sa jackpot na tinatayang P53.21 milyon. Wala ring tumama sa dalawang jackpot.
Sa 6D Lotto, ang winning combination ay 5-8-2-8-1-6 para sa tinatayang jackpot na P5.62 milyon, ngunit wala ring jackpot winner.
Sa 3D Lotto, ang mga nanalong numero ay 4-8-0 (2 p.m.), 3-8-6 (5 p.m.), at 3-1-8 (9 p.m.), na may 177, 188, at 597 winners, ayon sa pagkakasunod.
Sa 2D Lotto, ang mga winning combinations ay 21-16 (2 p.m.), 07-16 (5 p.m.), at 28-30 (9 p.m.), na may 46, 426, at 319 winners, ayon sa PCSO. RNT