Home NATIONWIDE P24.7M ismagel na sigarilyo nasabat sa Sultan Kudarat

P24.7M ismagel na sigarilyo nasabat sa Sultan Kudarat

32
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine Coast Guard at Philippine National Police ang mahigit P27.4 milyon halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo sa isang joint anti-smuggling operation sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Mayo 28, 2026.

Nadiskubre ang 640 master cases na nakatago sa isang storage facility batay sa intelligence info.

Para suportahan ang recovery operation, nagpadala rin ng karagdagang tauhan at transport assets ang Coast Guard District Southern Mindanao sa lugar.

Dinala ang mga kontrabando sa Police Regional Office 12 para ingatan habang iniimbestigahan pa kung sino ang may-ari ng warehouse at responsable rito.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, patunay ito ng matibay na koordinasyon ng PNP at PCG sa ilalim ng iCARE program laban sa smuggling. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here