Home NATIONWIDE Sunog sumiklab sa Baseco

Sunog sumiklab sa Baseco

35
0
(c) Manila DRRM Office

MANILA, Philippines – Muling sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Baseco Port Area,Manila ngayong Sabado, May 30.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog dakong alas-11 ng umaga sa isang bahay sa Gasangan, Baseco kung saan nakitaan ng makapal at maitim na usok kasunod ng pagliyab ng nagngangalit na apoy.

Dahil sa dikit-dikit ang mga bahay, mabilis na kumalat ang apoy dahilan upang itaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Sa ulat ng TxtFire Philippines, bandang 12:56 ng tanghali nang ideklarang fireout ang sunog ngunit ilang pamilya rin ang nadamay at nawalan ng bahay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection kaya wala pang kumpletong detalye na maibigay sa mga mamahayag. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here