MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot ng pangunahing lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo, Enero 18, kung kaya’t umabot na sa P254 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58.
Walang nakahulaan nang tama ng kumbinasyong 35-32-20-37-05-19 para sa Superlotto 6/49, kaya nanatiling P15,840,000 ang jackpot prize.
Hindi rin napunta ang jackpot na P254,932,636.40 ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang makakuha ng tamang numero na 38-55-56-02-22-03.
Isinasagawa ang Superlotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo, habang ang Ultra Lotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes, at Linggo. RNT