Walang nanalo sa mga major lotto jackpot noong Huwebes, Abril 24, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Hindi nakuha ang Superlotto 6/49 jackpot na nagkakahalaga ng ₱16,132,058.40 matapos walang tumama sa winning combination na 17-32-34-06-42-20.
Wala ring nanalo sa Lotto 6/42. Naiwang di-mapagwagian ang ₱11,825,882.60 matapos walang pumili ng kombinasyong 12-11-37-34-26-13. RNT