Home NATIONWIDE ‘Papabili’ Parolin, Tagle nangunguna bilang kahalili ni Pope Francis – British bookmaker

‘Papabili’ Parolin, Tagle nangunguna bilang kahalili ni Pope Francis – British bookmaker

ROMA – Sinabi ng mga British bookmaker si Vatican Secretary of State Pietro Parolin ng Italya at si Kardinal Luis Antonio Tagle ng Pilipinas bilang mga pangunahing kandidato na papalit sa yumaong Pope Francis.

May 35 porsyento si Parolin sa pagtaya, habang 25 porsyento naman si Tagle. Kasama rin sa mga binanggit na kandidato sina Kardinal Peter Erdo ng Hungary, Jose Tolentino ng Portugal, at mga Italyanong sina Matteo Zuppi at Pierbattista Pizzaballa. Muling lumulutang din ang mga Afrikanong sina Fridolin Ambongo Besungu, Peter Turkson, at Robert Sarah.

Bagamat lampas na sa edad ng pagboto, isinama pa rin ng ilang bookmaker sina Angelo Scola ng Italya at Marc Ouellet ng Canada bilang posibleng pagpipilian.

Ayon sa Daily Mail, kahit ang artificial intelligence ay piniling si Parolin bilang susunod na Santo Papa. Nakatakdang magsimula ang conclave sa Mayo 5. RNT