MANILA, Philippines – Sinira ng mga awtoridad ang tatlong marijuana plantation sites sa Barangay Badeo, Kibungan, Benguet nitong Huwebes, Enero 23, iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong araw.
Sa pahayag ng PDEA, sinabi nito na ang plantation sites ay may kabuuang land area na 2,500 square meters kung saan binunot ang 18,200 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P3,640,000.
Nadiskubre ng mga awtoridad ang mga marijuana sa operasyon ng regional and provincial offices ng PDEA kasama ang Kibungan Police Station.
Ayon sa PDEA, sinira ang mga marijuana plant at sinunog sa lugar matapos ang operasyon. RNT/JGC