Home METRO P340M shabu nasamsam ng PDEA sa Muntinlupa

P340M shabu nasamsam ng PDEA sa Muntinlupa

MANILA, Philippines – AABOT sa P340 milyon halaga ng hinihinalang droga ang nasamsam ng PDEA NCR Southern District Office at PNP SDEU Muntinlupa sa dalawang suspek na sina Tita Joy at Liezel sa ikinasang buy bust operation sa South Green Heights Village, Muntinlupa City.

Ang mga iligal na droga ay natagpuan sa maraming pakete, kabilang ang isang karton na kahon na naglalaman ng 25 golden aluminum pack; isang bagahe na naglalaman ng 20 vacuum-sealed orange pack na may tatak na
“Ivory Coast”, at isang pulang eco bag na naglalaman ng limang vacuum-sealed orange pack na may label na “Ivory Coast”.

Tinatayang nasa 50,000 gramo, o 50 kilo ang kabuuang timbang ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000,000.

Nahaharap ang mga naarestong indibidwal sa ilalim ng Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of
2002. RNT