MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P34 milyong halaga ng shabu noong Sabado, Nobyembre 16, kasunod ng pagkakaaresto sa isang drug suspect sa isinagawang search warrant operation sa Alabang zapote Road, Las Piñas City.
Sa bisa ng ‘Search Warrant No. 24-079 na inisyu ni Vice Executive Judge Mildred Jacinto, inaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Kenneth Bandong na naroroon sa lugar kung saan inihain ang warrant.
Samantala, narekober din sa lugar ng operasyon ang nasa limang kilo ng shabu na nakatago sa transparent plastic.
Gayunpaman, ang iba pang pinaghihinalaang drug personality, na subject ng parehong search warrant, ay nanatiling nakalaya.
Nahaharap si Bandong sa kasong paglabag sa Section 11 (possession of dangerous drugs), Article II ng Republic Act (RA) 9165 o mas kilala bilang “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’’ RNT