Home NATIONWIDE P350B kita sa gambling industry ngayong taon naitala

P350B kita sa gambling industry ngayong taon naitala

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa rekord na higit sa P350 bilyon ($6.03 bilyon) ang kita ng gambling industry ngayong taon, bunsod ng paglago sa sektor ng electronic gaming, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nalagpasan nito ang P334 bilyon na target na itinakda ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at kumakatawan sa isang makabuluhang pagtaas mula sa nakaraang taon na kabuuang kita sa paglalaro (GGR) na P285 bilyon.

“Our GGR for the year, I think it’s over P350 billion,” ayon kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco .

Ang pagtaas ng kita ng PAGCOR, na direktang nasa ilalim ng tanggapan ng pangulo ng Pilipinas, ay magandang pahiwatig para sa bansa sa Southeast Asia dahil bahagi ng pambansang badyet ang bulto ng kinikita nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)