MANILA, Philippines – Walang nanalo sa major lotto jackpots na binola nitong Huwebes, Abril 9, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ng PCSO na walang tumama sa P25,000,000.00 jackpot ng Superlotto 6/49 matapos walang makapili sa winning combination na 10-27-28-02-14-06.
Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 matapos walang makataya sa numerong 41-38-03-05-11-06 na may katumbas na P10,000,000.00 jackpot. RNT