MANILA, Philippines – Inalis ng Senado ang P39 bilyong proposed allocation para sa Ayuda para sa Kapos and Kita Program (AKAP)— isang cash aid program para sa minimum wage workers— sa bersyon nito ng P6.352 trilyong national budget para sa 2025.
Ayon kay Senador Imee Marcos, inalis niya ang probisyon para sa AKAP. Ang AKAP at Assistance to Individuals in Crisis Situations ay maaaring pagsamahin sa iisang programa.
“While we recognized the necessity of immediate relief by direct financial assistance, it is imperative to focus also on social protection iniiatives,” sinabi ni Marcos sa Senate plenary deliberations ng General Appropriations Bill.
Si Marcos ang sponsor ng proposed budget ng Department of Social Welfare and Development.
Matatandaang pinuna ng mga Senador ang AKAP dahol hindi ito kasama sa bersyon ng Kamara at Senado sa 2024 national budget, at lumabas lamang ang bersyon nito sa bicameral conference committee.
Sa ilalim ng proposed 2025 budget, tinaasan ang proposed allocation nito mula sa P13 milyon noong 2024 sa P39.8 bilyon sa 2025.
Ayon sa mga miyembro ng Kamara, kailangan ang AKAP ng minimum wage earners na ang sahod ay mas mababa sa P21,000 kada buwan.
Sa kabila nito, giit ng mga senador na ang cash aid ay hindi mapupunta sa mga poorest of the poor.
“Medyo nangangamba ako kasi ‘yung ibang kaibigan natin sa Senado, gusto raw i-scrap o itanggal ‘yung AKAP,” ayon kay Speaker Martin Romualdez.
“Sa Senado, ‘di yata nakakaintindi kasi ‘di yata sila bumababa masyado,” dagdag pa niya. RNT/JGC