MANILA, Philippines – Nakumpiska ng mga awtoridad ang hindi dokumentadong mga cigarrete product na nagkakahalaga ng P4.7 milyon sa Talisay City, Cebu.
Ang mga ito ay nakumpiska sa joint buy-bust operation ng Provincial Intelligence Unit ng Cebu Police Provincial Office at Bureau of Customs Cebu sa Barangay Dumlog, Talisay City, madaling araw ng Martes, Oktubre 27, 2026.
Inaresto ng pulisya ang mga indibidwal na kinilalang si alyas “Al,” 42-anyos, at residente ng Barangay Dumlog sa Talisay City.
Isinagawa ang operasyon kaugnay sa umano’y iligal na pagbebenta at distribusyon ng hindi dokumentadong mga sigarilyo.
Umabot sa P4.7 milyon ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang iligal na sigarilyo.
Kulang din ang mga sigarilyo ng kaukulang Graphic Health Warnings.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang inarestong indibidwal. RNT/JGC