Home NATIONWIDE P449-B di obligadong pondo ng DPWH mula 2024-2025, kinalkal ni Rep. Brian...

P449-B di obligadong pondo ng DPWH mula 2024-2025, kinalkal ni Rep. Brian Poe

335
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni Rep. Brian Poe ang House Committee on Appropriations na ang DPWH ay mayroon pa ring ₱56.7 bilyon na unobligated na pondo mula 2024 at ₱392.3 bilyon mula 2025 na dapat i-maximize para sa kapakanan ng publiko.

Nagsimula nang magsampa ng kaso laban sa mga opisyal at contractor na sangkot sa katiwalian ang DPWH, sa ilalim ni Sec. Dizon.

Kinumpirma niya na isang kaso na kinasasangkutan ng 26 na indibidwal ang naisampa, at marami pa ang nasa pipeline.

“We are investigating more than a hundred projects nationwide,” iniulat ni Dizon, idinagdag na nais nilang makapg pasa ng isang kaso kada linggo.

Binigyang-diin ni Rep. Poe na nag mga problemang ito ay hindi na bago, at ang mga anomalya ay nagdaan na sa maraming administrasyon.

“The cases span from 2017 all the way up until 2024,” aniya.

Samantala, inihagay ni Dizon ang pagkagulat sa mga proyektong inaward na walang maayos na engineering plans, na nais niyang patigilin.

“Ngayon lang po ako nakakita ng proyekto na naa-awardan na wala man lang plano,” aniya.

Ang mga deliberasyon ay nagsiwalat din ng mga alalahanin sa mababang disbursement rate ng DPWH, na 22 porsiyento lamang ng mga pondo ang inilabas sa ngayon noong 2025.

Binigyang-diin ni Poe na babantayang mabuti ang budget ngayong taon.

“It’s safe to say that the 2025 budget is probably the closest monitored in DPWH’s history,” saad ni Poe.

Idinagdag ni Rep. Poe na ang mga kamakailang pagsisikap, kabilang ang paglikha ng Independent Commission for Infrastructure, ay nagpapatibay sa pangangailangan para sa transparency at independiyenteng pangangasiwa sa pagkontrol sa baha at iba pang mga proyekto.

Gayunpaman, sinabi niya na ang pangunahing responsibilidad ay nakasalalay sa DPWH na magsagawa ng mga reporma at ibalik ang kumpiyansa ng publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here