Home NATIONWIDE Napolcom nagsampa ng kaso sa ex-HPG exec sa pagtanggap ng suhol

Napolcom nagsampa ng kaso sa ex-HPG exec sa pagtanggap ng suhol

278
0

MANILA, Philippines — Nagsampa ng administrative charges ang National Police Commission (Napolcom) laban sa dating chief ng Highway Patrol Group Special Operations Division (HPG SOD) sa umano’y pagtanggap ng P7 miyong panunuhol mula sa isang naarestong suspek.

“Our IMIS now is filing a formal charge for grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer against ex-HPG SOD head Col. Rommel Estolano,” saad ni Napolcom Vice Chairperson and Executive Officer Rafael Calinisan sa isang press briefing sa kanilang headquarters sa Quezon City noong Huwebes.

Inihain ng IMIS ang mga pormal na kaso sa Napolcom Legal Affairs Service, na magtatalaga na ngayon ng isang hearing officer sa kaso at maghahatid ng summon sa respondent.

Nag-ugat ang kaso sa isang operasyon noong Hunyo 13 sa Parañaque City, kung saan na-flag ng mga tauhan ng HPG ang isang “JJ Javier” dahil sa mga paglabag nito sa batas trapiko at natuklasan na mayroong mga baril sa kanyang sasakyan.

Lima sa mga opisyal ng HPG ang nagsabi na umano’y tumanggap si Estolano ng suhol para sa special treatment sa suspek habang nakakulong at para maayos nito ang kanyang kaso.

Gayunpaman, inakusahan ni Estolano ang mga opisyal ng HPG ng pag-aresto sa suspek sa pamamagitan ng warrant na inilabas ng korte sa Pasay City at na-recall noong Hulyo 2024. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here