Home NATIONWIDE P49M lotto jackpot ‘di napanalunan

P49M lotto jackpot ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Inaalat pa rin ang mga mananaya matapos na hindi mapanalunan ang mga lotto jackpots, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa bola nitong Biyernes ng gabi, Enero 12.

Sinabi ng PCSO na ang masuwerteng numero para sa Ultra Lotto 6/58 ay 06-44-20-22-37-25 para sa pot prize na P49 milyon.

Samantala, 10 mananaya ang nanalo ng tig-P120,000 para sa ikalawang gantimpala, at 1,073 ang bawat isa ay makakatanggap ng P2,000 para sa ikatlong gantimpala.

Gayundin, wala ring nanalo para sa Mega Lotto 6/45 draw. Mayroon itong mga panalong numero na 06-34-11-32-40-02 at may jackpot prize na P12,718,118.20.

Para sa parehong draw, 19 na manlalaro ang nanalo ng tig-P32,000 para sa ikalawang gantimpala, habang 1,058 ang nanalo ng tig-P1,000 para sa ikatlo.

Ang iba pang resulta ng digit na laro ay 2-7-3-8 para sa 4D, 2-4-1 para sa 3D Lotto, at 15-20 para sa 2D Lotto. RNT

Previous articlePresyo ng diesel, kerosene may konting-sirit; gas posibleng may rollback
Next articleGrave threat case ni Rep. Castro vs Digong ibinasura ng korte