Home METRO P5.27M shabu nasabat sa buy-bust

P5.27M shabu nasabat sa buy-bust

LAPU-LAPU CITY- Mahigit P5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nadakip na suspek sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek sa pangalang Alfred alyas Api, 21-anyos at residente ng Blk. 135, Cathlea Bless, Barangay Labangon, Cebu City.

Sa pinagsamang operasyon ng Lapu-Lapu City Police at City Drug Enforcement Unit, bandang alas-9:22 ng gabi nang madakip ang suspek sa purok Nangka, Brgy Gun-ob, ng naturang lungsod.

Nakuha sa suspek ang 31 malaking paketeng naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 775 kilo at aabot sa halagang P5.27 milyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleShowtime hosts, nag-taping sa Family Feud; Karylle, hinahanap!
Next articleLa NiƱa nakaambang maramdaman sa Hunyo