Home ENTERTAINMENT Showtime hosts, nag-taping sa Family Feud; Karylle, hinahanap!

Showtime hosts, nag-taping sa Family Feud; Karylle, hinahanap!

Manila, Philippines – Ano kaya ang pakiramdam ni Ogie Alcasid nang mag-taping siya at ilang mga co-hosts ng It’s Showtime sa Family Feud?

Matatandang si Ogie ang kauna-unahang host ng naturang game show when then-ABC 5 acquired the rights to it.

Mula 2001 hanggang 2002 din tumagal ang FF, now hosted by Dingdong Dantes.

Abangan ang banter between the past and present game show hosts, as it would sure be fun.

Kabilang si Ogie sa Team Anne led by Anne Curtis siyempre.

With them are Vhong Navarro and Teddy Corpuz.

Katunggali naman nila ang Team Vice led by Showtime main host, Jhong Hilario and Jugs Cueta.

Sa rami ng mga Showtime hosts, tiyak na may Part 2 ‘yon.

Marami naman ang naghahanap kay Ryan Bang.

Posible kayang sa ikalawang bahagi na lang siya, na kung kelan ay hindi pa masabi?

One thing’s for sure, ang taped episode na ‘yon ay saktong eere one day bago magsimulang mapanood ang It’s Showtime sa bago nitong tahanan, ang GMA.

Hindi lang si Ryan ang hinahanap kundi ang dyowa ni Vice Ganda na si lon Perez.

Maging sina MC, Lassie at Jacky ay tinatanong din.

But the biggest question happened to be: nasaan si Karylle?

Napaka-obvious naman ang sagot sa tanong kung paanong absent din si Karylle sa Showtime noong pino-promote nina Dingdong at Marian Rivera ang kanilang MMFF entry na Rewind last year!

Gets? Ronnie Carrasco III

Previous articleSultan Kudarat bird flu-free na
Next articleP5.27M shabu nasabat sa buy-bust