BENGUET- Nagkakahalaga ng P5,810,000.00 ang mga marijuana plants at dried marijuana leaves na sinunog ng mga otoridad sa Tacadang, Kibungan ng lalawigang ito.
Nabatid na nagsasagawa ng three-day (March 3-5, 2025) eradication sa Brgy. Les-eng ang mga tropa ng PDEA at Kibungan MPS nang madiskubre nila ang limang lote na natatamnam ng marijuana plants.
Bukod sa marijuana plants, may nadiskubre rin silang mga marijuana dried leaves.
Tinatayang tumitimbang ng 25,000 gramo ang mga nadiskubreng marijuana dried leaves samantalang nasa 14,050 naman ng marijuana plants ang pinagbubunot ng mga tropa ng PDEA at Kibungan MPS.
Sabay-sabay na pinagsusununog ng tropa ang mga nadiskubre nilang marijuana plant at marijuana dried leaves.
Walang naarestong marijuana cultivator mula sa mga nabanggit na taniman ng marijuana. Rolando S. Gamoso