Home NATIONWIDE P500K pekeng gamot nasamsam sa Pasay

P500K pekeng gamot nasamsam sa Pasay

MANILA, Philippines — Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang may-ari ng negosyong nagbebenta ng hindi rehistradong gamot sa Pasay City.

Sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes, nasamsam ng CIDG ang hindi rehistradong gamot na nagkakahalaga ng P500,000 mula sa isang tirahan sa Barangay 76.

Kabilang sa mga nakumpiska ang antibiotics, glucose injections, herbal supplements, at pain relief medications.

Kinilala ang suspek sa pangalang “Wenkai” na nahaharap ngayon sa kaso sa National Prosecution Service dahil sa paglabag sa Food and Drug Administration Act. RNT