Home METRO P5.9M tobats, sinunog ng PDEA sa Zamboanga

P5.9M tobats, sinunog ng PDEA sa Zamboanga

179
0

ZAMBOANGA CITY – Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 ang P5.9 milyong halaga ng ilegal na droga sa Aurora, Zamboanga del Sur nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat nitong Biyernes, sinabi ni PDEA-9 director Bryan Babang na kabilang sa winasak ang 852.59 gramo ng shabu, 28.8 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, at mga expired na gamot. Ang mga ito ay nakumpiska sa serye ng anti-drug operations sa Zamboanga Peninsula at bahagi ng mga kasong napagpasyahan na ng mga korte sa Zamboanga del Sur at Tubod, Lanao del Norte.

“These confiscated items, stemming from cases already decided by various courts in Zamboanga del Sur and Tubod, Lanao del Norte, were permanently removed from circulation,” ani Babang.

Isinagawa ang pagsunog sa pasilidad ng Libertad Power and Energy Corporation sa Aurora.

“Every gram of these destroyed drugs is a life protected,” dagdag niya.

Saksi sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa pulisya, Department of Justice, at iba pang ahensya ng gobyerno. Ito ang unang drug destruction ng PDEA-9 ngayong 2026.

Noong nakaraang taon, umabot sa P1.1 bilyong halaga ng mapanganib na droga ang winasak ng PDEA-9 sa Zamboanga City, na itinuturing na pinakamalaki sa rehiyon. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here