Home SPORTS PH athletes hinimok ni bowling legend Paeng Nopomuceno na maging SSS members

PH athletes hinimok ni bowling legend Paeng Nopomuceno na maging SSS members

210
0

HINIKAYAT Ni six-time World champion at World Bowling Hall of Famer Rafael ‘Paeng’ Nopomuceno ang mga Pinoy athletes na maging SSS (Social Security System) contributors.

Si Paeng na naghandog ng maraming karangalan sa bansa ay isang proud retiree pensioner at ang itinuturing na bowling GOAT (greatest of all time) ay idinetalye ang malaking tulong sa kanya ang natatanggap niyang pension.

Kaya panawagan niya sa mga kapwa niya atleta, maging SSS contributor na.

“To all athletes ang all involved in sports, mag-contribute kayo sa SSS ‘coz malaking tulong ‘pag nag-retire kayo, may maaasahang benefits. I, for one, malaking tulong na may nare-receive akong pension.”

Umaasa si Nepomuceno na magkaroon ng pension program sa sports, gaya sa SSS.

Samantala, ipinagmalaki ni Department of Finance Secretary Frederick D. Go na tumaas ng 22.1 porsyento o mahigit sa P1 trillion na ang reserve fund ng SSS.

Mula sa P1.033 trillion noong 2024, umabot na sa P1.261 trillion ang pondo ng SSS sa taong 2025.

Resulta, tataas din ang matatanggap na pension ng retirees simula September 2025 hanggang 2027.

Sa ilalim ng Pension Reform Program ng SSS, ayon kay Go, makakakuha ang mga retirement at disability pensioners ng karagdagang 10 posyentong kada taon, habang 5% kada taon para sa death at survivor pensioners.

Kaya sa loob ng tatlong taon, mabibiyaan ng 33 porsyentong dagdag pensyon ang retirement at disability pensioners, habang 16% para sa death at survivor pensioners.

Sinabi ni SSS President and CEO Robert Joseph M. De Claro, aabot sa 3.9 million pensioners ang makikinabang sa Pension Reform Program ng SSS.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here